Exodus 34:27 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sinabi ng PANGINOON kay Moises, "Isulat mo ang mga salitang ito; ayon sa mga salitang ito ay nakipagtipan ako sa iyo at sa Israel."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Isulat mo itong sinasabi ko, dahil ito ang tuntunin ng kasunduan ko sa iyo at sa Israel.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At sinabi ng Panginoon kay Moises, Isulat mo ang mga salitang ito: sapagkat ayon sa tunog ng mga salitang ito, ay nakipagtipan ako sa iyo at sa Israel.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Pagkatapos noon, sinabi niya kay Moises, “Isulat mo ang mga sinabi ko sapagkat ito ang mga tuntunin ng pakikipagtipan ko sa iyo at sa Israel.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Pagkatapos noon, sinabi niya kay Moises, “Isulat mo ang mga sinabi ko sapagkat ito ang mga tuntunin ng pakikipagtipan ko sa iyo at sa Israel.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Pagkatapos noon, sinabi niya kay Moises, “Isulat mo ang mga sinabi ko sapagkat ito ang mga tuntunin ng pakikipagtipan ko sa iyo at sa Israel.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At sinabi ng Panginoon kay Moises, Isulat mo ang mga salitang ito: sapagka't ayon sa tunog ng mga salitang ito, ay nakipagtipan ako sa iyo at sa Israel.