Exodus 38:25 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ang pilak mula sa kapisanan na binilang ay sandaang talento, at isang libo't pitong daan at pitumpu't limang siklo, ayon sa siklo ng santuwaryo:
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Ang kabuuang timbang ng pilak na naipon ay 3,520 kilo ayon sa bigat ng pilak sa timbangang ginagamit ng mga pari. Nanggaling ito sa mga taong nailista sa sensus. Nagbigay ang bawat isa sa kanila ng anim na gramo ng pilak ayon sa bigat ng pilak sa timbangang ginagamit ng mga pari. May 603,550 tao na may edad na 20 pataas ang nailista sa sensus.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At ang pilak niyaong mga nabilang sa kapisanan ay isang daang talento, at isang libot pitong daan at pitongput limang siklo, ayon sa siklo ng santuario:
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ang pilak namang ibinigay ng mga taong napabilang sa sensus ay umabot sa 3,430 kilo, ayon din sa timbangan sa templo.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ang pilak namang ibinigay ng mga taong napabilang sa sensus ay umabot sa 3,430 kilo, ayon din sa timbangan sa templo.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ang pilak namang ibinigay ng mga taong napabilang sa sensus ay umabot sa 3,430 kilo, ayon din sa timbangan sa templo.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At ang pilak niyaong mga nabilang sa kapisanan ay isang daang talento, at isang libo't pitong daan at pitongpu't limang siklo, ayon sa siklo ng santuario: