Exodus 8:2 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Kung ayaw mo silang paalisin, aking sasalutin ng mga palaka ang iyong buong lupain.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Kung hindi mo sila paaalisin, pupunuin ko ng mga palaka ang iyong bansa.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At kung ayaw mo silang payaunin, ay narito, aking sasalutin ng mga palaka ang inyong buong lupain:
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Kapag hindi ka pumayag, patuloy kong pahihirapan ang buong Egipto. Pupunuin ko ng palaka ang Ilog Nilo. Papasukin ng mga ito ang palasyo at aakyatin pati higaan mo. Papasukin din ng mga ito ang bahay ng mga tauhan mo at ng lahat ng Egipcio, ganoon din ang inyong mga lutuan at lalagyan ng pagkain.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Kapag hindi ka pumayag, patuloy kong pahihirapan ang buong Egipto. Pupunuin ko ng palaka ang Ilog Nilo. Papasukin ng mga ito ang palasyo at aakyatin pati higaan mo. Papasukin din ng mga ito ang bahay ng mga tauhan mo at ng lahat ng Egipcio, ganoon din ang inyong mga lutuan at lalagyan ng pagkain.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Kapag hindi ka pumayag, patuloy kong pahihirapan ang buong Egipto. Pupunuin ko ng palaka ang Ilog Nilo. Papasukin ng mga ito ang palasyo at aakyatin pati higaan mo. Papasukin din ng mga ito ang bahay ng mga tauhan mo at ng lahat ng Egipcio, ganoon din ang inyong mga lutuan at lalagyan ng pagkain.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)