Exodus 8:22 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Subalit aking ibubukod sa araw na iyon ang lupain ng Gosen na tinitirhan ng aking bayan, upang huwag magkaroon doon ng pulu-pulutong na langaw, upang iyong malaman na ako ang PANGINOON sa lupaing ito.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Pero hindi ito mararanasan sa lupain ng Goshen kung saan naninirahan ang mga mamamayan ko; hindi dadapo ang mga langaw sa lugar na iyon, para malaman nila na akong Panginoon ay nasa lupaing iyon.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At aking ihihiwalay sa araw na yaon ang lupain ng Gosen, na kinatatahanan ng aking bayan, upang huwag magkaroon doon ng pulupulutong na langaw: ng iyong maalaman na ako ang Panginoon sa gitna ng lupa.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ngunit ililigtas ko ang lupain ng Goshen, ang tirahan ng mga Israelita. Hindi ko sila padadalhan ni isa mang langaw para malaman niyang akong si Yahweh ang siyang makapangyarihan sa lupaing ito.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ngunit ililigtas ko ang lupain ng Goshen, ang tirahan ng mga Israelita. Hindi ko sila padadalhan ni isa mang langaw para malaman niyang akong si Yahweh ang siyang makapangyarihan sa lupaing ito.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ngunit ililigtas ko ang lupain ng Goshen, ang tirahan ng mga Israelita. Hindi ko sila padadalhan ni isa mang langaw para malaman niyang akong si Yahweh ang siyang makapangyarihan sa lupaing ito.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)