Ezekiel 1:16 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ganito ang anyo ng mga gulong at ng kanilang pagkayari: ang kanilang anyo ay parang kislap ng berilo; at ang apat ay magkakatulad, ang kanilang pagkayari ay parang isang gulong sa loob ng isang gulong.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Ganito ang anyo ng mga gulong: Kumikislap ang mga ito na parang mamahaling batong krisolito at magkakapareho ang kanilang anyo. Ang bawat gulong ay may isa pang gulong sa loob na nakakrus.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Ang anyo ng mga gulong at ng kanilang pagkayari ay parang kulay ng berilo: at ang apat na yaon ay may isang anyo: at ang kanilang anyo at ang kanilang pagkayari ay parang isang gulong sa loob ng isang gulong.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ang mga ito ay kumikislap na parang topaz. Iisa ang ayos nila at parang ang isa'y nakapaloob sa isa.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ang mga ito ay kumikislap na parang topaz. Iisa ang ayos nila at parang ang isa'y nakapaloob sa isa.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ang mga ito ay kumikislap na parang topaz. Iisa ang ayos nila at parang ang isa'y nakapaloob sa isa.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)