Ezekiel 1:26 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sa itaas ng kalawakan na nasa itaas ng kanilang mga ulo ay may kawangis ng isang trono na parang anyo ng batong zafiro. Sa ibabaw ng kawangis ng trono ay may kawangis ng isang tao na nakaupo sa itaas niyon.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sa ibabaw nila ay may tila tronong gawa sa mga batong safiro at may parang tao sa tronong iyon.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At sa itaas ng langit na nasa itaas ng kanilang mga ulo ay may kawangis ng isang luklukan na parang anyo ng batong zafiro; at sa ibabaw ng kawangis ng luklukan ay may kawangis ng isang tao sa itaas niyaon.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sa ibabaw ng bubungan, naroon ang tila tronong yari sa safiro at may nakaupong parang isang tao.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Sa ibabaw ng bubungan, naroon ang tila tronong yari sa safiro at may nakaupong parang isang tao.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Sa ibabaw ng bubungan, naroon ang tila tronong yari sa safiro at may nakaupong parang isang tao.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)