Ezekiel 11:1 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Bukod dito'y, tinaas ako ng Espiritu, at dinala ako sa silangang pintuan ng bahay ng PANGINOON, na nakaharap sa dakong silangan. Sa pasukan ng pintuan ay mayroong dalawampu't limang lalaki. At nakita ko na kasama nila si Jaazanias na anak ni Azur, at si Pelatias na anak ni Benaya, na mga pinuno ng bayan.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Pagkatapos, dinala ako ng Espiritu sa templo ng Panginoon, sa may pintuan na nakaharap sa silangan. May 25 tao roon, dalawa sa kanila ay sina Jaazania na anak ni Azur at Pelatia na anak ni Benaya na mga tagapamahala ng mga tao.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Bukod ditoy itinaas ako ng Espiritu, at dinala ako sa pintuang-daang silanganan ng bahay ng Panginoon, na nakaharap sa dakong silanganan: at narito, nasa pinto ng pintuang-daan ang dalawang put limang lalake; at nakita ko sa gitna nila si Jaazanias na anak ni Azur, at si Pelatias na anak ni Benaias, na mga prinsipe ng bayan.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Pagkatapos, dinala ako ng Espiritu sa pintuan ng Templo sa gawing silangan. May dalawampu't limang tao roon, kasama si Jaazanias na anak ni Azur, at si Pelatia na anak ni Benaias; sila'y mga pinuno ng bayan.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Pagkatapos, dinala ako ng Espiritu sa pintuan ng Templo sa gawing silangan. May dalawampu't limang tao roon, kasama si Jaazanias na anak ni Azur, at si Pelatia na anak ni Benaias; sila'y mga pinuno ng bayan.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Pagkatapos, dinala ako ng Espiritu sa pintuan ng Templo sa gawing silangan. May dalawampu't limang tao roon, kasama si Jaazanias na anak ni Azur, at si Pelatia na anak ni Benaias; sila'y mga pinuno ng bayan.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Bukod dito'y itinaas ako ng Espiritu, at dinala ako sa pintuang-daang silanganan ng bahay ng Panginoon, na nakaharap sa dakong silanganan: at narito, nasa pinto ng pintuang-daan ang dalawang pu't limang lalake; at nakita ko sa gitna nila si Jaazanias na anak ni Azur, at si Pelatias na anak ni Benaias, na mga prinsipe ng bayan.