Ezekiel 11:5 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ang Espiritu ng PANGINOON ay dumating sa akin, at sinabi niya sa akin, "Sabihin mo, Ganito ang sabi ng PANGINOON: Ito ang inyong iniisip, O sambahayan ni Israel; nalalaman ko ang mga bagay na pumasok sa inyong isip.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Pagkatapos, nilukuban ako ng Espiritu ng Panginoon at inutusang sabihin ito: “Ito ang sinasabi ng Panginoon sa inyo mga mamamayan ng Israel: Alam ko kung ano ang sinasabi at iniisip ninyo.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At ang Espiritu ng Panginoon ay dumating sa akin, at sinabi niya sa akin, Salitain mo, Ganito ang sabi ng Panginoon: Ganito ang inyong sinabi, Oh sangbahayan ni Israel; sapagkat nalalaman ko ang mga bagay na pumasok sa inyong pag-iisip.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Nilukuban ako ng Espiritu ni Yahweh at sinabi sa akin, “Sabihin mong ipinapasabi ni Yahweh: Mga Israelita, hindi lingid sa akin ang inyong mga pinagsasabi. Alam ko ang binabalak ninyo.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Nilukuban ako ng Espiritu ni Yahweh at sinabi sa akin, “Sabihin mong ipinapasabi ni Yahweh: Mga Israelita, hindi lingid sa akin ang inyong mga pinagsasabi. Alam ko ang binabalak ninyo.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Nilukuban ako ng Espiritu ni Yahweh at sinabi sa akin, “Sabihin mong ipinapasabi ni Yahweh: Mga Israelita, hindi lingid sa akin ang inyong mga pinagsasabi. Alam ko ang binabalak ninyo.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At ang Espiritu ng Panginoon ay dumating sa akin, at sinabi niya sa akin, Salitain mo, Ganito ang sabi ng Panginoon: Ganito ang inyong sinabi, Oh sangbahayan ni Israel; sapagka't nalalaman ko ang mga bagay na pumasok sa inyong pag-iisip.