Ezekiel 13:6 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sila'y nagsalita ng kabulaanan at nanghula ng kasinungalingan. Kanilang sinasabi, 'Sabi ng PANGINOON;' bagaman hindi sila sinugo ng PANGINOON, gayunma'y naghihintay sila sa katuparan ng kanilang mga salita.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Hindi totoo ang mga pangitain nila at kasinungalingan ang mga hula nila. Sinasabi nilang mula sa Panginoon ang sinasabi nila pero ang totooʼy hindi ko sila sinugo at hinihintay nilang maganap ito.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Silay nangakakita ng walang kabuluhan, at sinungaling na panghuhula, na nagsasabi, Sabi ng Panginoon; at hindi sila sinugo ng Panginoon; at kanilang pinaasa ang mga tao na ang salita ay magiging totoo.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Pawang kasinungalingan ang ipinahayag nila. Ang pahayag nila'y, ‘Sinasabi ni Yahweh,’ kahit hindi ko sila sinusugo. Sa kabila noon, inaasam nilang pangyayarihin ko ang kanilang ipinahayag.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Pawang kasinungalingan ang ipinahayag nila. Ang pahayag nila'y, ‘Sinasabi ni Yahweh,’ kahit hindi ko sila sinusugo. Sa kabila noon, inaasam nilang pangyayarihin ko ang kanilang ipinahayag.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Pawang kasinungalingan ang ipinahayag nila. Ang pahayag nila'y, ‘Sinasabi ni Yahweh,’ kahit hindi ko sila sinusugo. Sa kabila noon, inaasam nilang pangyayarihin ko ang kanilang ipinahayag.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sila'y nangakakita ng walang kabuluhan, at sinungaling na panghuhula, na nagsasabi, Sabi ng Panginoon; at hindi sila sinugo ng Panginoon; at kanilang pinaasa ang mga tao na ang salita ay magiging totoo.