Ezekiel 13:7 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Hindi ba kayo nakakita ng huwad na pangitain, at hindi ba kayo nagsalita ng kasinungalingang panghuhula, tuwing inyong sasabihin, 'Sabi ng PANGINOON', bagaman hindi ko sinalita?"
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Hindi totoo ang mga pangitain nila at kasinungalingan ang mga hula nila. Sinasabi nilang iyon ang ipinapasabi ko pero hindi iyon nanggaling sa akin.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Hindi baga kayo nakakita ng walang kabuluhang pangitain, at hindi baga kayo nagsalita ng kasinungalingang panghuhula, sa inyong pagsasabi, Sabi ng Panginoon; yamang hindi ko sinalita?
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Huwad ang kanilang pangitain at kasinungalingan ang kanilang pahayag sapagkat sabi nila'y ipinapasabi ko iyon bagama't wala akong sinasabing ganoon.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Huwad ang kanilang pangitain at kasinungalingan ang kanilang pahayag sapagkat sabi nila'y ipinapasabi ko iyon bagama't wala akong sinasabing ganoon.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Huwad ang kanilang pangitain at kasinungalingan ang kanilang pahayag sapagkat sabi nila'y ipinapasabi ko iyon bagama't wala akong sinasabing ganoon.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)