Ezekiel 18:30 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
"Kaya't hahatulan ko kayo, O sambahayan ni Israel, bawat isa'y ayon sa kanyang mga lakad, sabi ng Panginoong DIYOS. Kayo'y magsisi, at lumayo kayo sa lahat ninyong pagsuway; sa gayo'y ang kasamaan ay hindi magiging inyong kapahamakan.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
“Kaya sinasabi ko sa inyo, mga mamamayan ng Israel, ako, ang Panginoong Dios, ako ang hahatol sa bawat isa sa inyo ayon sa inyong mga ginawa. Kaya, magsisi na kayo! Talikuran na ninyo ang lahat ng inyong kasalanan para hindi kayo mapahamak.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Kayat hahatulan ko kayo, Oh sangbahayan ni Israel, bawat isay ayon sa kaniyang mga lakad, sabi ng Panginoong Dios. Kayoy mangagbalik-loob, at magsihiwalay kayo sa lahat ninyong pagsalangsang; sa gayoy ang kasamaan ay hindi magiging inyong kapahamakan.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
“Kaya nga, bawat isa sa inyo ay hahatulan ko ayon sa kanyang ginawa. Magsisi nga kayo't tumalikod sa inyong kasamaan bago bumagsak sa inyo ang parusa.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
“Kaya nga, bawat isa sa inyo ay hahatulan ko ayon sa kanyang ginawa. Magsisi nga kayo't tumalikod sa inyong kasamaan bago bumagsak sa inyo ang parusa.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
“Kaya nga, bawat isa sa inyo ay hahatulan ko ayon sa kanyang ginawa. Magsisi nga kayo't tumalikod sa inyong kasamaan bago bumagsak sa inyo ang parusa.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Kaya't hahatulan ko kayo, Oh sangbahayan ni Israel, bawa't isa'y ayon sa kaniyang mga lakad, sabi ng Panginoong Dios. Kayo'y mangagbalik-loob, at magsihiwalay kayo sa lahat ninyong pagsalangsang; sa gayo'y ang kasamaan ay hindi magiging inyong kapahamakan.