Ezekiel 22:20 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Kung paanong tinitipon ng mga tao ang pilak, tanso, bakal, tingga, at ang lata sa gitna ng hurno, upang hipan ang apoy, upang tunawin ang mga iyon; gayon ko kayo titipunin sa aking galit at poot, at aking ilalagay kayo roon at tutunawin kayo.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
katulad ng taong nagtitipon ng pilak, tanso, bakal, tingga at lata sa nagniningas na hurno para tunawin. Titipunin ko kayo sa Jerusalem para ibuhos sa inyo ang galit ko at doon ko kayo parurusahan na parang mga metal na tinutunaw.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Kung paanong kanilang pinipisan ang pilak at ang tanso at ang bakal at ang tingga at ang lata sa gitna ng hurno, upang hipan ng apoy, upang tunawin; gayon ko kayo pipisanin sa aking galit at sa aking kapusukan, at aking ilalapag kayo roon, at pupugnawin ko kayo.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Kung paanong ang pilak, tanso, bakal, tingga, at lata ay inilalagay sa tunawan upang dalisayin, gayon ang gagawin ko sa inyo. Tutunawin ko kayo sa init ng nag-aalab kong poot.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Kung paanong ang pilak, tanso, bakal, tingga, at lata ay inilalagay sa tunawan upang dalisayin, gayon ang gagawin ko sa inyo. Tutunawin ko kayo sa init ng nag-aalab kong poot.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Kung paanong ang pilak, tanso, bakal, tingga, at lata ay inilalagay sa tunawan upang dalisayin, gayon ang gagawin ko sa inyo. Tutunawin ko kayo sa init ng nag-aalab kong poot.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)