Ezekiel 22:29 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ang mga tao ng lupain ay gumawa ng pang-aapi at pagnanakaw. Kanilang inapi ang dukha at nangangailangan, at kanilang inapi ang mga dayuhan at ito'y hindi naituwid.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Nandaraya at nagnanakaw ang mga tao. Inaapi nila ang mahihirap, ang mga nangangailangan at ang mga dayuhang naninirahang kasama nila. Hindi nila binibigyan ng katarungan ang mga ito.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Ang bayan ng lupain ay gumawa ng pagpighati, at nagnakaw; oo, kanilang pinagdalamhati ang dukha at mapagkailangan, at pinighati ng wala sa katuwiran ang taga ibang lupa.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ang mayayaman ay nandadaya at nagnanakaw. Inaapi nila ang mahihirap, at walang tigil ang panghuhuthot sa mga taga-ibang bayan.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ang mayayaman ay nandadaya at nagnanakaw. Inaapi nila ang mahihirap, at walang tigil ang panghuhuthot sa mga taga-ibang bayan.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ang mayayaman ay nandadaya at nagnanakaw. Inaapi nila ang mahihirap, at walang tigil ang panghuhuthot sa mga taga-ibang bayan.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Ang bayan ng lupain ay gumawa ng pagpighati, at nagnakaw; oo, kanilang pinagdalamhati ang dukha at mapagkailangan, at pinighati ng wala sa katuwiran ang taga ibang lupa.