Ezekiel 22:4 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ikaw ay naging salarin sa pamamagitan ng dugo na iyong pinadanak, at ikaw ay dinungisan ng mga diyus-diyosan na iyong ginawa. Pinalapit mo ang iyong araw, at dumating na ang takdang panahon ng iyong mga taon. Kaya't ginawa kitang isang kahihiyan sa mga bansa, at pinagtatawanan ng lahat ng mga bansa.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Mananagot ka dahil sa mga pagpatay mo at dahil dinungisan mo ang iyong sarili sa paggawa ng mga dios-diosan. Dumating na ang wakas mo. Kaya pagtatawanan ka at kukutyain ng mga bansa.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Ikaw ay naging salarin dahil sa iyong dugo na iyong ibinubo, at ikaw ay napahamak sa iyong mga diosdiosan na iyong ginawa; at iyong pinalapit ang iyong mga kaarawan, at ikaw ay dumating hanggang sa iyong mga taon; kayat ginawa kitang isang kapulaan sa mga bansa, at isang katuyaan sa lahat na lupain.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Malaki ang pagkakasala mo dahil sa pagdanak ng dugo at sa pagkahumaling sa pagsamba sa diyus-diyosang ikaw na rin ang gumawa. Dumating na ang iyong wakas. Ikaw ay lalaitin at kukutyain ng lahat ng bansa.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Malaki ang pagkakasala mo dahil sa pagdanak ng dugo at sa pagkahumaling sa pagsamba sa diyus-diyosang ikaw na rin ang gumawa. Dumating na ang iyong wakas. Ikaw ay lalaitin at kukutyain ng lahat ng bansa.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Malaki ang pagkakasala mo dahil sa pagdanak ng dugo at sa pagkahumaling sa pagsamba sa diyus-diyosang ikaw na rin ang gumawa. Dumating na ang iyong wakas. Ikaw ay lalaitin at kukutyain ng lahat ng bansa.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Ikaw ay naging salarin dahil sa iyong dugo na iyong ibinubo, at ikaw ay napahamak sa iyong mga diosdiosan na iyong ginawa; at iyong pinalapit ang iyong mga kaarawan, at ikaw ay dumating hanggang sa iyong mga taon; kaya't ginawa kitang isang kapulaan sa mga bansa, at isang katuyaan sa lahat na lupain.