Ezekiel 28:13 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ikaw ay nasa Eden na halamanan ng Diyos; bawat mahahalagang bato ay iyong kasuotan, ang sardio, topacio, diamante, berilo, onix, jaspe, zafiro, karbungko, at esmeralda; at ang ginto at ang pagkayari ng iyong pandereta at ng iyong mga plauta ay nasa iyo; sa araw na ikaw ay lalangin inihanda ang mga ito.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Nasa Eden ka pa noon, sa halamanan ng Dios. Napapalamutian ka ng sari-saring mamahaling bato gaya ng rubi, topaz, esmeralda, krisolito, onix, jasper, safiro, turkois at beril. Napapalamutian ka rin ng ginto na inihanda para sa iyo noong araw ng kapanganakan mo.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Ikaw ay nasa Eden, na halamanan ng Dios; lahat na mahalagang bato ay iyong kasuutan, ang sardio, ang topacio, at ang diamante, ang berilo, ang onix, at ang jaspe, ang zafiro, ang esmeralda, at ang karbungko, at ang ginto: ang pagkayari ng iyong pandereta at iyong mga plauta ay napasa iyo; sa kaarawan na ikaw ay lalangin ay nangahanda.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Tulad mo'y nasa paraiso ng Diyos, sa hardin ng Eden. Nababalot ka ng iba't ibang uri ng batong mamahalin: sardiyo, topaz at diyamanteng nagniningning; berilo, onise at jasper na walang kahambing; safiro, esmeralda at karbungko. Ginto ang iyong enggasto. At ang pagkaukit dito ay inihanda noong una pa, nang isilang ka sa mundo.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Tulad mo'y nasa paraiso ng Diyos, sa hardin ng Eden. Nababalot ka ng iba't ibang uri ng batong mamahalin: sardiyo, topaz at diyamanteng nagniningning; berilo, onise at jasper na walang kahambing; safiro, esmeralda at karbungko. Ginto ang iyong enggasto. At ang pagkaukit dito ay inihanda noong una pa, nang isilang ka sa mundo.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Tulad mo'y nasa paraiso ng Diyos, sa hardin ng Eden. Nababalot ka ng iba't ibang uri ng batong mamahalin: sardiyo, topaz at diyamanteng nagniningning; berilo, onise at jasper na walang kahambing; safiro, esmeralda at karbungko. Ginto ang iyong enggasto. At ang pagkaukit dito ay inihanda noong una pa, nang isilang ka sa mundo.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)