Ezekiel 3:13 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
At aking narinig ang pagaspas ng mga pakpak ng mga nilalang na may buhay habang sila'y magkakadikit, at ang tunog ng mga gulong sa tabi nila, na ang tunog ay parang malakas na ugong.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
At narinig ko rin ang pagaspas ng mga pakpak ng apat na buhay na nilalang at ang ingay ng mga gulong na parang ingay ng malakas na lindol.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At aking narinig ang pagaspas ng mga pakpak ng mga nilalang na may buhay na nagkakadagisdisan, at ang hugong ng mga gulong sa siping nila, sa makatuwid bagay ang ingay ng malaking hugong.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
At narinig ko ang pagaspas ng pakpak ng mga nilalang na buháy at ugong ng kanilang mga gulong na parang ugong ng malakas na lindol.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
At narinig ko ang pagaspas ng pakpak ng mga nilalang na buháy at ugong ng kanilang mga gulong na parang ugong ng malakas na lindol.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
At narinig ko ang pagaspas ng pakpak ng mga nilalang na buháy at ugong ng kanilang mga gulong na parang ugong ng malakas na lindol.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At aking narinig ang pagaspas ng mga pakpak ng mga nilalang na may buhay na nagkakadagisdisan, at ang hugong ng mga gulong sa siping nila, sa makatuwid baga'y ang ingay ng malaking hugong.