Ezekiel 34:27 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ang punungkahoy sa parang ay magbubunga, ang lupa'y magbibigay ng kanyang pakinabang, at sila'y magiging tiwasay sa kanilang lupain. Kanilang malalaman na ako ang PANGINOON, kapag aking pinutol ang bakal ng kanilang pamatok, at aking nailigtas sila sa kamay ng mga umalipin sa kanila.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Mamumunga ang mga punongkahoy at mga pananim nila, at mamumuhay silang ligtas sa anumang panganib. Malalaman nilang ako ang Panginoon kapag pinalaya ko na sila sa mga umalipin sa kanila.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At ang punong kahoy sa parang ay magbubunga, at ang lupay magsisibol ng halaman niya, at silay matitiwasay sa kanilang lupain; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon, pagka aking binali ang tali ng kanilang pamatok, at aking nailigtas sila sa kamay ng mga pinaglilingkuran nila.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Mamumunga ang mga punongkahoy sa kabukiran. Mag-aani sila nang sagana buhat sa kanilang lupain at sila'y mamumuhay doon nang panatag. At kung mapalaya ko na sila mula sa umaalipin sa kanila, makikilala nilang ako si Yahweh.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Mamumunga ang mga punongkahoy sa kabukiran. Mag-aani sila nang sagana buhat sa kanilang lupain at sila'y mamumuhay doon nang panatag. At kung mapalaya ko na sila mula sa umaalipin sa kanila, makikilala nilang ako si Yahweh.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Mamumunga ang mga punongkahoy sa kabukiran. Mag-aani sila nang sagana buhat sa kanilang lupain at sila'y mamumuhay doon nang panatag. At kung mapalaya ko na sila mula sa umaalipin sa kanila, makikilala nilang ako si Yahweh.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At ang punong kahoy sa parang ay magbubunga, at ang lupa'y magsisibol ng halaman niya, at sila'y matitiwasay sa kanilang lupain; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon, pagka aking binali ang tali ng kanilang pamatok, at aking nailigtas sila sa kamay ng mga pinaglilingkuran nila.