Ezekiel 36:37 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ganito ang sabi ng Panginoong DIYOS: Bukod dito pa'y, hahayaan ko ang sambahayan ni Israel na humiling sa akin upang gawin ito sa kanila: paramihin ang kanilang mga tao na parang kawan.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Patuloy pang sinabi ng Panginoong Dios, “Pakikinggan kong muli ang mga kahilingan ng mga mamamayan ng Israel, at ito pa ang gagawin ko sa kanila. Pararamihin ko sila na kasindami ng mga tupa na inihahandog sa Jerusalem sa panahon ng pista. Kaya ang mga nawasak na lungsod ay titirhan na ng maraming tao. At malalaman nila na ako ang Panginoon.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Bukod dito pay pagsasanggunian ako ng sangbahayan ni Israel, upang gawin sa kanila; akoy magpaparami sa kanila ng tao na parang kawan.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ipinapasabi ni Yahweh: “Ito pa ang gagawin ko sa kanila. Ipagkakaloob ko ang hilingin nila sa akin. Pararamihin ko sila, tulad ng makapal nilang kawan.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ipinapasabi ni Yahweh: “Ito pa ang gagawin ko sa kanila. Ipagkakaloob ko ang hilingin nila sa akin. Pararamihin ko sila, tulad ng makapal nilang kawan.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ipinapasabi ni Yahweh: “Ito pa ang gagawin ko sa kanila. Ipagkakaloob ko ang hilingin nila sa akin. Pararamihin ko sila, tulad ng makapal nilang kawan.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Bukod dito pa'y pagsasanggunian ako ng sangbahayan ni Israel, upang gawin sa kanila; ako'y magpaparami sa kanila ng tao na parang kawan.