Ezekiel 37:25 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sila'y maninirahan sa lupain na tinirahan ng inyong mga ninuno na aking ibinigay kay Jacob na aking lingkod. Sila at ang kanilang mga anak, at ang mga anak ng kanilang mga anak, ay tatahan doon magpakailanman. Si David na aking lingkod ay magiging kanilang pinuno magpakailanman.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Maninirahan sila sa lupaing ibinigay ko sa lingkod kong si Jacob, ang lupaing tinirhan ng kanilang mga ninuno. Sila at ang mga anak nila ay titira roon habang panahon. At maghahari sa kanila ang haring mula sa lahi ni David na lingkod ko magpakailanman.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At silay magsisitahan sa lupain na aking ibinigay kay Jacob na aking lingkod, na tinahanan ng inyong mga magulang; at silay magsisitahan doon, sila at ang kanilang mga anak, at ang mga anak ng kanilang mga anak, magpakailan man: at si David na aking lingkod ay magiging kanilang prinsipe magpakailan man.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sila'y doon na maninirahan sa lupaing tinirhan ng kanilang mga ninuno, sa lupaing ibinigay ko kay Jacob. Sila, at ang kanilang mga anak at mga susunod pang salinlahi ay mananatili doon habang panahon. Isang haring tulad ni David na aking lingkod ang magiging pinuno nila magpakailanman.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Sila'y doon na maninirahan sa lupaing tinirhan ng kanilang mga ninuno, sa lupaing ibinigay ko kay Jacob. Sila, at ang kanilang mga anak at mga susunod pang salinlahi ay mananatili doon habang panahon. Isang haring tulad ni David na aking lingkod ang magiging pinuno nila magpakailanman.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Sila'y doon na maninirahan sa lupaing tinirhan ng kanilang mga ninuno, sa lupaing ibinigay ko kay Jacob. Sila, at ang kanilang mga anak at mga susunod pang salinlahi ay mananatili doon habang panahon. Isang haring tulad ni David na aking lingkod ang magiging pinuno nila magpakailanman.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At sila'y magsisitahan sa lupain na aking ibinigay kay Jacob na aking lingkod, na tinahanan ng inyong mga magulang; at sila'y magsisitahan doon, sila at ang kanilang mga anak, at ang mga anak ng kanilang mga anak, magpakailan man: at si David na aking lingkod ay magiging kanilang prinsipe magpakailan man.