Ezekiel 4:17 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sapagkat magkukulang ng tinapay at tubig, at magtinginan sa isa't isa na may pagkabalisa, at manghina sa kanilang kaparusahan.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
At dahil sa kakulangan ng pagkain at tubig, magtitinginan sila sa sindak, at unti-unti silang mamamatay dahil sa kanilang mga kasalanan.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Upang silay mangailangan ng tinapay at tubig, at manglupaypay na magkakasama, at manganlata sa kanilang kasamaan.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Gagawin ko ito sa kanila hanggang sa sila'y pagharian ng sindak. Gayon sila pahihirapan dahil sa kanilang kasamaan.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Gagawin ko ito sa kanila hanggang sa sila'y pagharian ng sindak. Gayon sila pahihirapan dahil sa kanilang kasamaan.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Gagawin ko ito sa kanila hanggang sa sila'y pagharian ng sindak. Gayon sila pahihirapan dahil sa kanilang kasamaan.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Upang sila'y mangailangan ng tinapay at tubig, at manglupaypay na magkakasama, at manganlata sa kanilang kasamaan.