Ezekiel 40:43 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ang mga kawit na isang lapad ng kamay ang haba ang nakakabit sa loob sa palibot. At sa ibabaw ng mga mesa ay ilalagay ang laman ng handog.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sa palibot ng dingding ng balkonahe ay may mga sabitan na tatlong pulgada ang haba. At naroon sa mga mesa ang mga karneng ihahandog.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At ang mga pangipit na may isang lapad ng kamay ang haba, ay natitibayan sa loob sa palibot; at nasa ibabaw ng mga dulang ang laman na alay.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sa paligid ng mga mesa ay may pinakapasamanong singlapad ng isang palad. Sa mesa ipinapatong ang karneng panghandog.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Sa paligid ng mga mesa ay may pinakapasamanong singlapad ng isang palad. Sa mesa ipinapatong ang karneng panghandog.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Sa paligid ng mga mesa ay may pinakapasamanong singlapad ng isang palad. Sa mesa ipinapatong ang karneng panghandog.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At ang mga pangipit na may isang lapad ng kamay ang haba, ay natitibayan sa loob sa palibot; at nasa ibabaw ng mga dulang ang laman na alay.