Ezekiel 42:6 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sila'y iniayos sa tatlong palapag, at walang mga haligi na gaya ng ibang gusali sa patyo. Kaya't ang ikatlo ay ginawang mas makipot kaysa pang-ibaba at panggitnang palapag mula sa lupa.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Ang tatlong palapag na ito ay walang haligi, di tulad ng mga nasa bakuran. At dahil magkakapatong ang mga ito, paliit nang paliit ang mga silid nito mula sa itaas pababa.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Sapagkat tatlong grado, at walang mga haligi na gaya ng mga haligi ng mga looban: kayat ang pinakamataas ay lalong munti kay sa pinakamababa at kay sa pinaka gitna mula sa lupa.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ang mga silid mula sa una hanggang ikatlong palapag ay walang haligi, di tulad ng ibang gusali sa patyo sa labas.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ang mga silid mula sa una hanggang ikatlong palapag ay walang haligi, di tulad ng ibang gusali sa patyo sa labas.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ang mga silid mula sa una hanggang ikatlong palapag ay walang haligi, di tulad ng ibang gusali sa patyo sa labas.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sapagka't tatlong grado, at walang mga haligi na gaya ng mga haligi ng mga looban: kaya't ang pinakamataas ay lalong munti kay sa pinakamababa at kay sa pinaka gitna mula sa lupa.