Ezekiel 45:7 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
"Para sa pinuno ay mapupunta ang lupain sa magkabilang dako ng banal na lugar at pag-aari ng lunsod, katabi ng banal na lugar at ng pag-aari ng bayan, sa kanluran at sa silangan. Ang haba ay ayon sa isa sa mga bahagi, mula sa hangganang kanluran hanggang sa hangganang silangan.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Bibigyan din ng dalawang bahagi ng lupain ang pinuno ng Israel. Ang isang bahagi ay nasa gawing kanluran ng hangganan ng lupaing para sa akin at ng lupaing gagawing lungsod papunta sa Dagat ng Mediteraneo, at ang isa ay mula sa hangganan sa silangan papunta sa Ilog ng Jordan. Ang hangganan nito sa silangan at sa kanluran ay pantay sa hangganan ng lupaing ibinahagi sa mga lahi ng Israel.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Magkakaroon naman para sa prinsipe ng bahagi sa isang dako at sa kabilang dako sa banal na alay at sa pag-aari ng bayan, sa harap ng banal na alay at sa harap ng pag-aari ng bayan, sa dakong kalunuran na gawing kalunuran, at sa dakong silanganan na gawing silanganan; at ang haba ay ayon sa isa sa mga bahagi, mula sa hangganang kalunuran hanggang sa hangganang silanganan.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sa pinuno ng Israel, ang iuukol ay ang karatig ng bahaging itinangi kay Yahweh. Ang nasa gawing kanluran ay sagad sa Dagat Mediteraneo, at ang sa gawing silangan ay abot sa ilog. Ito ay magkakasinlaki ng kaparte ng bawat lipi.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Sa pinuno ng Israel, ang iuukol ay ang karatig ng bahaging itinangi kay Yahweh. Ang nasa gawing kanluran ay sagad sa Dagat Mediteraneo, at ang sa gawing silangan ay abot sa ilog. Ito ay magkakasinlaki ng kaparte ng bawat lipi.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Sa pinuno ng Israel, ang iuukol ay ang karatig ng bahaging itinangi kay Yahweh. Ang nasa gawing kanluran ay sagad sa Dagat Mediteraneo, at ang sa gawing silangan ay abot sa ilog. Ito ay magkakasinlaki ng kaparte ng bawat lipi.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)