Ezekiel 47:17 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Kaya't ang hangganan ay mula sa dagat hanggang sa Hazar-enon, na nasa hilagang hangganan ng Damasco, na ang hangganan ay ang Hamat sa hilaga. Ito ang dakong hilaga.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Kaya ang hangganan sa hilaga ay magsisimula sa Dagat ng Mediteraneo hanggang sa Hazar Enan, na nasa hangganan ng Damascus at ng Hamat sa hilaga.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At ang hangganang mula sa dagat ay magiging ang Hazar-enon sa hangganan ng Damasco, at nasa hilagaan na dakong hilagaan ang hangganan ng Hamath. Ito ang dakong hilagaan.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Samakatuwid, ang hangganan sa hilaga ay mula sa Dagat Mediteraneo hanggang Hazar-enon, sa gawing hilaga ng Damasco.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Samakatuwid, ang hangganan sa hilaga ay mula sa Dagat Mediteraneo hanggang Hazar-enon, sa gawing hilaga ng Damasco.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Samakatuwid, ang hangganan sa hilaga ay mula sa Dagat Mediteraneo hanggang Hazar-enon, sa gawing hilaga ng Damasco.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At ang hangganang mula sa dagat ay magiging ang Hazar-enon sa hangganan ng Damasco, at nasa hilagaan na dakong hilagaan ang hangganan ng Hamath. Ito ang dakong hilagaan.