Ezekiel 5:2 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ang ikatlong bahagi ay iyong susunugin sa apoy sa gitna ng lunsod, kapag ang mga araw ng pagkubkob ay naganap; at iyong kukunin ang ikatlong bahagi, at hahampasin mo ng tabak sa palibot; at ang ikatlong bahagi ay iyong ikakalat sa hangin, at aking bubunutin ang tabak sa likuran nila.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Ang unang bahagi ay ilagay mo sa tisa na ginuhitan mo ng lungsod ng Jerusalem. Sunugin mo ito sa gitna ng lungsod matapos mong maipakita ang pagkubkob nito. Ang ikalawang bahagi ay ilagay mo sa palibot ng lungsod at pagputol-putulin sa pamamagitan ng espada mo. At ang natirang bahagi ay isaboy mo sa hangin dahil ikakalat ko ang mga mamamayan ko sa pamamagitan ng espada.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Ang ikatlong bahagi ay iyong susunugin sa apoy sa gitna ng bayan, pagka ang mga araw ng pagkubkob ay naganap; at iyong kukunin ang ikatlong bahagi, at susugatan mo ng tabak sa palibot; at ang ikatlong bahagi ay iyong pangangalatin sa hangin, at akoy magbubunot ng tabak sa likuran nila.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sunugin mo sa gitna ng lunsod ang unang bahagi matapos itong kubkubin. Ang ikalawang bahagi ay tadtarin mo habang naglalakad ka sa buong lunsod. Ihagis mo naman sa hangin ang ikatlong bahagi at pasusundan ko ng tabak.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Sunugin mo sa gitna ng lunsod ang unang bahagi matapos itong kubkubin. Ang ikalawang bahagi ay tadtarin mo habang naglalakad ka sa buong lunsod. Ihagis mo naman sa hangin ang ikatlong bahagi at pasusundan ko ng tabak.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Sunugin mo sa gitna ng lunsod ang unang bahagi matapos itong kubkubin. Ang ikalawang bahagi ay tadtarin mo habang naglalakad ka sa buong lunsod. Ihagis mo naman sa hangin ang ikatlong bahagi at pasusundan ko ng tabak.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Ang ikatlong bahagi ay iyong susunugin sa apoy sa gitna ng bayan, pagka ang mga araw ng pagkubkob ay naganap; at iyong kukunin ang ikatlong bahagi, at susugatan mo ng tabak sa palibot; at ang ikatlong bahagi ay iyong pangangalatin sa hangin, at ako'y magbubunot ng tabak sa likuran nila.