Ezekiel 5:6 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ngunit siya'y naghimagsik na may kasamaan laban sa aking mga tuntunin na higit kaysa mga bansa, at laban sa aking mga batas na higit kaysa mga lupain na nasa palibot niya, sa pamamagitan ng pagtatakuwil sa mga tuntunin at hindi paglakad ayon sa aking mga batas.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Nilabag niya ang mga utos ko at naging mas masama pa kaysa sa ibang mga bansang nasa palibot nito. Itinakwil niya ang mga utos at mga tuntunin ko.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At siyay nanghimagsik laban sa aking mga kahatulan sa paggawa ng kasamaan na higit kay sa ginawa ng mga bansa, at laban sa aking mga palatuntunan na higit kay sa mga lupain na nangasa palibot niya; sapagkat kanilang itinakuwil ang aking mga kahatulan, at tungkol sa aking mga palatuntunan, hindi nila nilakaran.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ngunit nilabag niya ang aking Kautusan at mga tuntunin. Nagpakasama siya nang higit pa sa mga bansa sa kanyang paligid. Tinalikuran nga niya ang aking Kautusan at iniwan ang aking mga tuntunin.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ngunit nilabag niya ang aking Kautusan at mga tuntunin. Nagpakasama siya nang higit pa sa mga bansa sa kanyang paligid. Tinalikuran nga niya ang aking Kautusan at iniwan ang aking mga tuntunin.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ngunit nilabag niya ang aking Kautusan at mga tuntunin. Nagpakasama siya nang higit pa sa mga bansa sa kanyang paligid. Tinalikuran nga niya ang aking Kautusan at iniwan ang aking mga tuntunin.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At siya'y nanghimagsik laban sa aking mga kahatulan sa paggawa ng kasamaan na higit kay sa ginawa ng mga bansa, at laban sa aking mga palatuntunan na higit kay sa mga lupain na nangasa palibot niya; sapagka't kanilang itinakuwil ang aking mga kahatulan, at tungkol sa aking mga palatuntunan, hindi nila nilakaran.