Ezekiel 6:3 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
at magsabi, Kayong mga bundok ng Israel, pakinggan ninyo ang salita ng Panginoong DIYOS. Ganito ang sabi ng Panginoong DIYOS sa mga bundok, sa mga burol, sa mga batis at sa mga libis: Narito, ako, ako mismo ay magdadala ng tabak sa inyo, at aking wawasakin ang inyong matataas na dako.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
O mga bundok ng Israel, mga burol, mga lambak, at mga kapatagan, dinggin ninyo ang sinasabi ng Panginoong Dios: Padadalhan ko kayo ng digmaan at gigibain ko ang mga sambahan sa matataas na lugar.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At magsabi, Kayong mga bundok ng Israel, pakinggan ang salita ng Panginoong Dios. Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa mga bundok at sa mga burol, sa mga batis at sa mga libis: Narito, ako sa makatuwid bagay ako, magpaparating ng tabak sa inyo, at aking sisirain ang inyong mga mataas na dako.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sabihin mo, ‘Mga bundok ng Israel, dinggin ninyo itong ipinapasabi ng Panginoong Yahweh: Tutugisin ko kayo ng tagâ. Gigibain ko ang inyong dambana sa mga burol.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Sabihin mo, ‘Mga bundok ng Israel, dinggin ninyo itong ipinapasabi ng Panginoong Yahweh: Tutugisin ko kayo ng tagâ. Gigibain ko ang inyong dambana sa mga burol.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Sabihin mo, ‘Mga bundok ng Israel, dinggin ninyo itong ipinapasabi ng Panginoong Yahweh: Tutugisin ko kayo ng tagâ. Gigibain ko ang inyong dambana sa mga burol.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At magsabi, Kayong mga bundok ng Israel, pakinggan ang salita ng Panginoong Dios. Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa mga bundok at sa mga burol, sa mga batis at sa mga libis: Narito, ako sa makatuwid baga'y ako, magpaparating ng tabak sa inyo, at aking sisirain ang inyong mga mataas na dako.