Ezra 8:28 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
At sinabi ko sa kanila, "Kayo'y banal sa PANGINOON, ang mga kagamitan ay banal, at ang pilak at ginto ay kusang-loob na handog sa PANGINOON, ang Diyos ng inyong mga ninuno.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sinabi ko sa mga pari, “Kayo at ang mga kagamitang ito ay ibinukod para sa Panginoon. Ang mga pilak at ginto ay handog na kusang-loob para sa Panginoon, ang Dios ng inyong mga ninuno.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At sinabi ko sa kanila, Kayoy banal sa Panginoon, at ang mga sisidlan ay natatalaga; at ang pilak at ang ginto ay kusang handog sa Panginoon, na Dios ng inyong mga magulang.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sinabi ko sa kanila, “Kayo'y banal sa harap ni Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ninuno; sagrado rin naman ang lahat ng pilak at gintong kagamitan na iniaalay kay Yahweh bilang mga kusang-loob na handog.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Sinabi ko sa kanila, “Kayo'y banal sa harap ni Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ninuno; sagrado rin naman ang lahat ng pilak at gintong kagamitan na iniaalay kay Yahweh bilang mga kusang-loob na handog.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Sinabi ko sa kanila, “Kayo'y banal sa harap ni Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ninuno; sagrado rin naman ang lahat ng pilak at gintong kagamitan na iniaalay kay Yahweh bilang mga kusang-loob na handog.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At sinabi ko sa kanila, Kayo'y banal sa Panginoon, at ang mga sisidlan ay natatalaga; at ang pilak at ang ginto ay kusang handog sa Panginoon, na Dios ng inyong mga magulang.