Ezra 8:35 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Nang panahong iyon, ang mga dumating mula sa pagkabihag, ang mga bumalik na ipinatapon ay nag-alay ng handog na sinusunog sa Diyos ng Israel, labindalawang toro para sa buong Israel, siyamnapu't anim na lalaking tupa, pitumpu't pitong kordero, at labindalawang kambing na lalaki bilang handog pangkasalanan. Lahat ng ito'y handog na sinusunog sa PANGINOON.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Pagkatapos, ang lahat ng bumalik galing sa pagkabihag ay nag-alay sa Dios ng Israel ng mga handog na sinusunog: 12 toro para sa buong Israel, 96 na lalaking tupa, at 77 batang lalaking tupa. Nag-alay din sila ng 12 lalaking kambing bilang handog sa paglilinis. Ang lahat ng ito ay ang mga handog na sinusunog para sa Panginoon.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Ang mga anak sa pagkabihag, na nagsipanggaling sa pagkatapon, ay nangaghandog ng mga handog na susunugin sa Dios ng Israel, labing dalawang toro sa ganang buong Israel, siyam na put anim na lalaking tupa, pitong put pitong kordero, labing dalawang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan: lahat ng itoy handog na susunugin sa Panginoon.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ang lahat ng bumalik mula sa pagkabihag ay nagdala ng mga handog na susunugin para sa Diyos ng Israel. Nag-alay sila ng labindalawang toro para sa buong Israel, siyamnapu't anim na tupang lalaki at pitumpu't pitong kordero; nag-alay din sila ng labindalawang kambing na lalaki bilang handog para sa kasalanan. Ang lahat ng ito'y sinunog bilang handog kay Yahweh.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ang lahat ng bumalik mula sa pagkabihag ay nagdala ng mga handog na susunugin para sa Diyos ng Israel. Nag-alay sila ng labindalawang toro para sa buong Israel, siyamnapu't anim na tupang lalaki at pitumpu't pitong kordero; nag-alay din sila ng labindalawang kambing na lalaki bilang handog para sa kasalanan. Ang lahat ng ito'y sinunog bilang handog kay Yahweh.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ang lahat ng bumalik mula sa pagkabihag ay nagdala ng mga handog na susunugin para sa Diyos ng Israel. Nag-alay sila ng labindalawang toro para sa buong Israel, siyamnapu't anim na tupang lalaki at pitumpu't pitong kordero; nag-alay din sila ng labindalawang kambing na lalaki bilang handog para sa kasalanan. Ang lahat ng ito'y sinunog bilang handog kay Yahweh.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Ang mga anak sa pagkabihag, na nagsipanggaling sa pagkatapon, ay nangaghandog ng mga handog na susunugin sa Dios ng Israel, labing dalawang toro sa ganang buong Israel, siyam na pu't anim na lalaking tupa, pitong pu't pitong kordero, labing dalawang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan: lahat ng ito'y handog na susunugin sa Panginoon.