Galatians 2:10 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ang kanila lamang hiniling ay aming alalahanin ang mga dukha, na siya namang aking pinananabikang gawin.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Ang tanging hiling nila ay huwag naming kalilimutang tulungan ang mga mahihirap, at iyan din naman talaga ang nais kong gawin.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Ang kanila lamang hinihiling ay aming alalahanin ang mga dukha; na ang bagay ring itoy aking pinagsisikapan gawain.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ang hiling lamang nila ay huwag naming pababayaan ang mga dukha, at talaga namang patuloy ko itong ginagawa.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ang hiling lamang nila ay huwag naming pababayaan ang mga dukha, at talaga namang patuloy ko itong ginagawa.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ang hiling lamang nila ay huwag naming kakaligtaan ang mga dukha, na siya namang masikap kong ginagawa.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Ang kanila lamang hinihiling ay aming alalahanin ang mga dukha; na ang bagay ring ito'y aking pinagsisikapan gawain.