Galatians 2:9 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
at nang malaman nila ang biyayang sa akin ay ipinagkaloob, ang mga kanang kamay ng pakikisama ay ibinigay sa akin at kay Bernabe nina Santiago, Cefas at Juan, sila na itinuturing na mga haligi, upang kami ay pumunta sa mga Hentil, at sila'y para sa mga tuli.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Kaya nang malaman ng mga kinikilalang pinuno ng iglesya, na sina Santiago, Pedro at Juan, na ipinagkaloob sa akin ng Dios ang gawaing ito, tinanggap nila kami ni Bernabe bilang mga kamanggagawa sa pangangaral ng Magandang Balita. Napagkasunduan namin na kami ang mangangaral sa mga hindi Judio, at sila naman ang mangangaral sa mga Judio.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At nang makita nila ang biyayang sa akin ay ipinagkaloob, ang mga kanang kamay ng pakikisama ay ibinigay sa akin at kay Bernabe ni Santiago at ni Cefas at ni Juan, sila na mga inaaring haligi, upang kami ay magsiparoon sa mga Gentil, at silay sa pagtutuli;
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Nakita nina Santiago, Pedro at Juan, na mga kinikilalang haligi ng iglesya, na ako'y talagang binigyan ng tanging tungkulin na ito, kaya't tinanggap nila kami ni Bernabe bilang mga kamanggagawa. Pinagkasunduan namin na kami'y sa mga Hentil mangangaral at sila nama'y sa mga Judio.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Nakita nina Santiago, Pedro at Juan, na mga kinikilalang haligi ng iglesya, na ako'y talagang binigyan ng tanging tungkulin na ito, kaya't tinanggap nila kami ni Bernabe bilang mga kamanggagawa. Pinagkasunduan namin na kami'y sa mga Hentil mangangaral at sila nama'y sa mga Judio.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Nakita nina Santiago, Pedro at Juan, na mga kinikilalang haligi ng iglesya, ang kagandahang-loob na ibinigay sa akin, kaya't kami ni Bernabe ay buong puso nilang tinanggap bilang mga kamanggagawa. Pinagkasunduan namin na kami'y sa mga Hentil mangangaral at sila nama'y sa mga Judio.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At nang makita nila ang biyayang sa akin ay ipinagkaloob, ang mga kanang kamay ng pakikisama ay ibinigay sa akin at kay Bernabe ni Santiago at ni Cefas at ni Juan, sila na mga inaaring haligi, upang kami ay magsiparoon sa mga Gentil, at sila'y sa pagtutuli;