Galatians 3:11 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ngayon ay maliwanag na walang sinumang inaaring ganap sa harapan ng Diyos sa pamamagitan ng kautusan, sapagkat "Ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Malinaw na walang taong ituturing na matuwid sa harap ng Dios sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan dahil sinasabi sa Kasulatan, “Ang taong itinuring na matuwid ng Dios dahil sa pananampalataya niya ay mabubuhay.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Maliwanag nga na sinoman ay hindi inaaring-ganap sa kautusan sa harapan ng Dios; sapagkat, Ang ganap ay mabubuhay sa pananampalataya.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Malinaw na walang taong pinapawalang-sala sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng Kautusan, sapagkat sinasabi ng kasulatan, “Ang pinawalang-sala ay mabubuhay dahil sa pananampalataya.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Malinaw na walang taong pinapawalang-sala sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng Kautusan, sapagkat sinasabi ng kasulatan, “Ang pinawalang-sala ay mabubuhay dahil sa pananampalataya.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Malinaw na walang taong pinapawalang-sala sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng Kautusan, sapagkat sinasabi ng kasulatan, “Ang itinuring ng Diyos na matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya ay mabubuhay.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Maliwanag nga na sinoman ay hindi inaaring-ganap sa kautusan sa harapan ng Dios; sapagka't, Ang ganap ay mabubuhay sa pananampalataya.