Galatians 3:15 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Mga kapatid, ako ay nagsasalita ayon sa tao, kapag napagtibay na ang tipan ng isang tao, walang makapagdaragdag o makapagpapawalang bisa nito.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Mga kapatid, bibigyan ko kayo ng halimbawa. Hindi maaaring basta na lang ipawalang-bisa o dagdagan ang anumang kasunduang nalagdaan na. Ganoon din naman sa mga pangako ng Dios.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Mga kapatid, nagsasalita ako ayon sa kaugalian ng mga tao: Bagamat ang pakikipagtipan ay gawa lamang ng tao, gayon may pagka pinagtibay, sinoman ay hindi makapagpapawalang kabuluhan, o makapagdaragdag man.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Mga kapatid, narito ang isang pangkaraniwang halimbawa. Kapag nalagdaan na ang isang kasunduan, hindi na ito mapapawalang-kabuluhan ninuman. Hindi rin ito maaaring dagdagan.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Mga kapatid, narito ang isang pangkaraniwang halimbawa. Kapag nalagdaan na ang isang kasunduan, hindi na ito mapapawalang-kabuluhan ninuman. Hindi rin ito maaaring dagdagan.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Mga kapatid, narito ang isang pangkaraniwang halimbawa. Kapag nalagdaan na ang isang kasunduan, hindi na ito mapapawalang-saysay ni madaragdagan.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Mga kapatid, nagsasalita ako ayon sa kaugalian ng mga tao: Bagama't ang pakikipagtipan ay gawa lamang ng tao, gayon ma'y pagka pinagtibay, sinoman ay hindi makapagpapawalang kabuluhan, o makapagdaragdag man.