Galatians 3:20 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ngayon, ang tagapamagitan ay nangangahulugan na may higit sa iisang panig; subalit ang Diyos ay iisa.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Ngunit ang pangako ay hindi tulad nito. Dahil nang ibigay ito ng Dios kay Abraham, hindi siya gumamit ng tagapamagitan o mga anghel kundi siya mismo.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Ngayon ang isang tagapamagitan ay hindi tagapamagitan ng iisa; datapuwat ang Dios ay iisa.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ngunit hindi kailangan ang tagapamagitan kung iisang panig lamang ang gumagawa ng kasunduan—at ang Diyos ay iisa.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ngunit hindi kailangan ang tagapamagitan kung iisang panig lamang ang gumagawa ng kasunduan—at ang Diyos ay iisa.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Kapag may tagapamagitan, nangangahulugang higit sa isang panig ang gumagawa ng kasunduan—subalit ang Diyos ay iisa.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Ngayon ang isang tagapamagitan ay hindi tagapamagitan ng iisa; datapuwa't ang Dios ay iisa.