Galatians 4:12 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo, kayo'y maging kagaya ko, sapagkat ako'y naging katulad din ninyo. Wala kayong ginawang masama sa akin.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Nakikiusap ako sa inyo mga kapatid, na tularan ninyo ako, dahil kahit isa akong Judio, tinalikuran ko ang pagsunod sa Kautusan ng mga Judio at naging katulad ninyong hindi Judio. Wala kayong kasalanan sa akin.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, na kayoy mangagsitulad sa akin, sapagkat akoy katulad din ninyo. Wala kayong ginawa sa aking anomang kasamaan.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Nakikiusap ako sa inyo mga kapatid, tularan ninyo ako. Hindi na ako saklaw ng Kautusan, tulad ninyo noon. Wala kayong nagawang masama laban sa akin.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Nakikiusap ako sa inyo mga kapatid, tularan ninyo ako. Hindi na ako saklaw ng Kautusan, tulad ninyo noon. Wala kayong nagawang masama laban sa akin.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Nakikiusap ako sa inyo mga kapatid, tularan ninyo ako, sapagkat ako'y naging katulad na ninyo. Wala kayong ginawang masama sa akin.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, na kayo'y mangagsitulad sa akin, sapagka't ako'y katulad din ninyo. Wala kayong ginawa sa aking anomang kasamaan.