Galatians 4:25 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ngayon, si Hagar ay bundok ng Sinai sa Arabia at katumbas ng kasalukuyang Jerusalem, sapagkat siya'y nasa pagkaalipin kasama ng kanyang mga anak.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Si Hagar, na kumakatawan sa Bundok ng Sinai sa Arabia ay kumakatawan din sa kasalukuyang Jerusalem. Sapagkat ang mga tao sa Jerusalem ay naging alipin ng Kautusan.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Ang Agar ngang ito ay bundok ng Sinai sa Arabia, at itoy katulad ng Jerusalem ngayon: sapagkat itoy nasa pagkaalipin kasama ng kaniyang mga anak.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Si Hagar ay kumakatawan sa Bundok ng Sinai na nasa Arabia, at larawan ng kasalukuyang Jerusalem na nasa pagkaalipin, kasama ng kanyang mga mamamayan.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Si Hagar ay kumakatawan sa Bundok ng Sinai na nasa Arabia, at larawan ng kasalukuyang Jerusalem na nasa pagkaalipin, kasama ng kanyang mga mamamayan.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Si Hagar ay kumakatawan sa Bundok ng Sinai na nasa Arabia, at larawan ng kasalukuyang Jerusalem sapagkat siya'y nasa pagkaalipin, kasama ng kanyang mga mamamayan.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Ang Agar ngang ito ay bundok ng Sinai sa Arabia, at ito'y katulad ng Jerusalem ngayon: sapagka't ito'y nasa pagkaalipin kasama ng kaniyang mga anak.