Galatians 5:3 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
At muli kong pinatotohanan sa bawat taong nagpatuli na siya'y may pananagutang tumupad sa buong kautusan.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Inuulit ko na ang sinumang magpapatuli para maging katanggap-tanggap sa Dios ay obligadong sumunod sa buong Kautusan.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Oo, pinatotohanan kong muli sa bawat taong tumatanggap ng pagtutuli, na siyay may kautangang tumupad ng buong kautusan.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Inuulit ko, ang lahat ng taong nagpatuli ay kailangang sumunod sa buong Kautusan.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Inuulit ko, ang lahat ng taong nagpatuli ay kailangang sumunod sa buong Kautusan.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Binabalaan ko ang lahat ng taong nagpapatuli, tungkulin nilang sumunod sa buong Kautusan.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Oo, pinatotohanan kong muli sa bawa't taong tumatanggap ng pagtutuli, na siya'y may kautangang tumupad ng buong kautusan.