Galatians 6:17 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Buhat ngayon ay huwag akong guluhin ng sinuman; sapagkat taglay ko sa aking katawan ang mga bakas ng paghihirap ni Jesus.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Mula ngayon, huwag nʼyo na akong guluhin. Ang tanda ng mga sugat sa katawan ko ay nagpapatunay na sinusunod ko si Jesus.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Buhat ngayon sinoman ay huwag bumagabag sa akin; sapagkat dala kong nakalimbag sa aking katawan ang mga tanda ni Jesus.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Kaya mula ngayon, huwag nang dagdagan ninuman ang aking mga paghihirap. Sapat na ang mga pilat na taglay ko para makilalang ako'y lingkod ni Jesus.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Kaya mula ngayon, huwag nang dagdagan ninuman ang aking mga paghihirap. Sapat na ang mga pilat na taglay ko para makilalang ako'y lingkod ni Jesus.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Kaya mula ngayon, huwag nang dagdagan ninuman ang aking mga paghihirap, sapagkat ipinapakita ng mga pilat sa aking katawan na ako'y lingkod ni Jesus.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Buhat ngayon sinoman ay huwag bumagabag sa akin; sapagka't dala kong nakalimbag sa aking katawan ang mga tanda ni Jesus.