Genesis 14:20 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
at purihin ang Kataas-taasang Diyos, na nagbigay ng iyong mga kaaway sa iyong kamay." At binigyan siya ni Abram ng ikasampung bahagi ng lahat.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Purihin ang Kataas-taasang Dios na nagbigay ng tagumpay sa iyo laban sa mga kaaway mo!” Pagkatapos, ibinigay ni Abram kay Melkizedek ang ikasampung bahagi ng lahat ng bagay na nakuha niya sa labanan.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At purihin ang Kataastaasang Dios, na nagbigay ng iyong mga kaaway sa iyong kamay. At binigyan siya ni Abram ng ikasangpung bahagi ng buong samsam.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Purihin ang Kataas-taasang Diyos, na nagbigay sa iyo ng tagumpay!” At ibinigay ni Abram kay Melquisedec ang ikasampung bahagi ng lahat ng kanyang nasamsam buhat sa labanan.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Purihin ang Kataas-taasang Diyos, na nagbigay sa iyo ng tagumpay!” At ibinigay ni Abram kay Melquisedec ang ikasampung bahagi ng lahat ng kanyang nasamsam buhat sa labanan.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Purihin ang Kataas-taasang Diyos, na nagbigay sa iyo ng tagumpay!” At ibinigay ni Abram kay Melquisedec ang ikasampung bahagi ng lahat ng kanyang nasamsam buhat sa labanan.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)