Genesis 34:3 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Siya ay napalapit kay Dina, na anak ni Jacob at kanyang inibig ang dalaga, at nangusap sa kanya na may pagmamahal.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Pero nahulog ang loob niya kay Dina at nagustuhan niya ito, kaya sinuyo niya ang dalaga.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At inilakip niya ang kaniyang kaluluwa kay Dina, na anak ni Jacob at kaniyang sininta ang dalaga, at nakiusap ng kalugodlugod sa dalaga.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ngunit napamahal na nang husto kay Shekem si Dina at sinikap niyang suyuin ito.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ngunit napamahal na nang husto kay Shekem si Dina at sinikap niyang suyuin ito.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ngunit napamahal na nang husto kay Shekem si Dina at sinikap niyang suyuin ito.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At inilakip niya ang kaniyang kaluluwa kay Dina, na anak ni Jacob at kaniyang sininta ang dalaga, at nakiusap ng kalugodlugod sa dalaga.