Genesis 36:6 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Dinala ni Esau ang kanyang mga asawa, ang kanyang mga anak na lalaki at babae, ang lahat ng tao sa kanyang bahay, ang kanyang hayop, lahat ng kanyang kawan, at ang lahat na kanyang tinipon sa lupain ng Canaan, at pumunta sa isang lupaing malayo sa kanyang kapatid na si Jacob.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Dinala ni Esau ang kanyang mga asawaʼt anak, ang lahat ng sakop ng kanyang sambahayan, pati ang mga ari-arian at mga hayop niya na naipon niya sa Canaan. At lumipat siya sa isang lupain na malayo kay Jacob na kanyang kapatid.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At dinala ni Esau ang kaniyang mga asawa, at ang kaniyang mga anak na lalake at babae, at ang lahat ng tao sa kaniyang bahay, at ang kaniyang hayop, at ang lahat ng kaniyang kawan, at ang lahat niyang tinatangkilik na kaniyang tinipon sa lupain ng Canaan; at napasa ibang lupaing bukod kay Jacob na kaniyang kapatid.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Nangibang-bayan si Esau kasama ang kanyang mga asawa, mga anak, mga tauhan, pati ang mga hayop at ang lahat ng ari-arian ay kanyang dinala.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Nangibang-bayan si Esau kasama ang kanyang mga asawa, mga anak, mga tauhan, pati ang mga hayop at ang lahat ng ari-arian ay kanyang dinala.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Nangibang-bayan si Esau kasama ang kanyang mga asawa, mga anak, mga tauhan, pati ang mga hayop at ang lahat ng ari-arian ay kanyang dinala.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)