Genesis 37:32 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Kanilang ipinadala ang mahabang damit na kanyang suot sa kanilang ama, at kanilang sinabi, "Ito'y aming natagpuan, kilalanin mo kung ito'y mahabang damit ng iyong anak o hindi."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Pagkatapos, dinala nila ang damit ni Jose sa kanilang ama at sinabi, “Nakita po namin ito. Tingnan po ninyong mabuti kung kay Jose po ito o hindi.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At kanilang ipinadala ang tunikang may sarisaring kulay, at dinala sa kanilang ama; at kanilang sinabi, Itoy aming nasumpungan: kilalanin mo ngayon, kung tunika ng iyong anak o hindi.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Pagkatapos, dinala nila ito sa kanilang ama at sinabi, “Nakita po namin ang damit na ito, tingnan nga ninyo kung ito nga ang sa mahal ninyong anak.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Pagkatapos, dinala nila ito sa kanilang ama at sinabi, “Nakita po namin ang damit na ito, tingnan nga ninyo kung ito nga ang sa mahal ninyong anak.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Pagkatapos, dinala nila ito sa kanilang ama at sinabi, “Nakita po namin ang damit na ito, tingnan nga ninyo kung ito nga ang sa mahal ninyong anak.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At kanilang ipinadala ang tunikang may sarisaring kulay, at dinala sa kanilang ama; at kanilang sinabi, Ito'y aming nasumpungan: kilalanin mo ngayon, kung tunika ng iyong anak o hindi.