Genesis 39:5 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Mula nang panahon na si Jose ay pamahalain sa kanyang bahay at sa lahat ng kanyang pag-aari, pinagpala ng PANGINOON ang bahay ng taga-Ehipto. Ang pagpapala ng PANGINOON ay dumating sa lahat ng kanyang pag-aari, sa bahay at sa parang.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Mula nang panahong si Jose ang namamahala, binasbasan ng Panginoon ang sambahayan ni Potifar na Egipcio at ang lahat ng ari-arian niya sa kanyang bahay at bukirin. Ginawa ito ng Panginoon dahil kay Jose.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At nangyari, na mula sa panahon na siyay pamahalain sa kaniyang bahay, at sa lahat ng kaniyang tinatangkilik, ay pinagpala ng Panginoon ang bahay ng taga Egiptong yaon dahil kay Jose; at ang pagpapala ng Panginoon ay sumalahat ng kaniyang tinatangkilik, sa bahay at sa parang.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Mula noon, dahil kay Jose ay pinagpala ni Yahweh ang buong sambahayan ni Potifar pati ang kanyang mga bukirin.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Mula noon, dahil kay Jose ay pinagpala ni Yahweh ang buong sambahayan ni Potifar pati ang kanyang mga bukirin.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Mula noon, dahil kay Jose ay pinagpala ni Yahweh ang buong sambahayan ni Potifar pati ang kanyang mga bukirin.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At nangyari, na mula sa panahon na siya'y pamahalain sa kaniyang bahay, at sa lahat ng kaniyang tinatangkilik, ay pinagpala ng Panginoon ang bahay ng taga Egiptong yaon dahil kay Jose; at ang pagpapala ng Panginoon ay sumalahat ng kaniyang tinatangkilik, sa bahay at sa parang.