Genesis 41:27 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
At ang pitong payat at pangit na baka na umahong kasunod ng mga iyon ay pitong taon, gayundin ang pitong uhay na tinuyo ng hanging silangan; ang mga iyon ay pitong taong taggutom.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Ang pitong payat at pangit na baka at ang pitong payat na butil na uhay na pinatigas ng mainit na hangin na galing sa silangan ay nangangahulugan po ng pitong taong taggutom.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At ang pitong bakang payat at mga pangit, na nagsiahong kasunod ng mga yaon ay pitong taon, at gayon din ang pitong uhay na tuyo, na pinapaspas ng hanging silanganan; kapuwa magiging pitong taong kagutom.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ang sinasabi ninyong pitong payat na baka at ang pitong uhay na payat ang mga butil ay pitong taon ng taggutom.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ang sinasabi ninyong pitong payat na baka at ang pitong uhay na payat ang mga butil ay pitong taon ng taggutom.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ang sinasabi ninyong pitong payat na baka at ang pitong uhay na payat ang mga butil ay pitong taon ng taggutom.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)