Genesis 42:7 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Nakita ni Jose ang kanyang mga kapatid at nakilala sila, subalit siya'y nagkunwaring iba sa kanila, at nagsalita ng marahas na mga bagay sa kanila. Sinabi niya sa kanila, "Saan kayo nanggaling?" Sinabi nila, "Mula sa lupain ng Canaan, upang bumili ng pagkain."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Pagkakita ni Jose sa kanila, nakilala niya agad ang mga ito pero siyaʼy hindi nila nakilala. Hindi lang siya nagpahalata na siya si Jose. Nagtanong siya sa kanila kung taga-saan sila. Sumagot sila, “Taga-Canaan po kami, at pumunta po kami rito para bumili ng pagkain.” Naalala agad ni Jose ang panaginip niya tungkol sa kanila na naging dahilan kung bakit sila nagalit sa kanya. Kaya nagsalita siya ng masasakit na salita sa kanila, “Mga espiya kayo! Pumunta kayo rito para tingnan kung ano ang kahinaan ng bansa namin.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At nakita ni Jose ang kaniyang mga kapatid, at kaniyang nangakilala, datapuwat siyay nagkunwaring iba sa kanila, at silay kinausap niya ng magilas; at sinabi sa kanila, Saan kayo nagsipanggaling? At sinabi nila, Sa lupain ng Canaan, upang bumili ng pagkain.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Nakilala agad ni Jose ang mga kapatid niya, ngunit hindi siya nagpahalata. “Tagasaan kayo?” mabagsik niyang tanong. “Taga-Canaan po. Naparito po kami upang bumili ng pagkain,” tugon nila.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Nakilala agad ni Jose ang mga kapatid niya, ngunit hindi siya nagpahalata. “Tagasaan kayo?” mabagsik niyang tanong. “Taga-Canaan po. Naparito po kami upang bumili ng pagkain,” tugon nila.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Nakilala agad ni Jose ang mga kapatid niya, ngunit hindi siya nagpahalata. “Tagasaan kayo?” mabagsik niyang tanong. “Taga-Canaan po. Naparito po kami upang bumili ng pagkain,” tugon nila.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At nakita ni Jose ang kaniyang mga kapatid, at kaniyang nangakilala, datapuwa't siya'y nagkunwaring iba sa kanila, at sila'y kinausap niya ng magilas; at sinabi sa kanila, Saan kayo nagsipanggaling? At sinabi nila, Sa lupain ng Canaan, upang bumili ng pagkain.