Genesis 44:17 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
At kanyang sinabi, "Malayo nawa sa akin ang gumawa nito; ang taong kinatagpuan ng kopa ay siyang magiging aking alipin, at kayo ay umuwing may kapayapaan sa inyong ama."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Pero sinabi ni Jose, “Hindi ko magagawa iyan. Kung kanino lang nakita ang kopa siya lang ang magiging alipin ko. At makakauwi na kayo sa inyong ama nang matiwasay.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At kaniyang sinabi, Huwag nawang itulot ng Dios na akoy gumawa ng ganiyan; ang taong kinasumpungan ng saro, ay siyang magiging aking alipin; datapuwat tungkol sa inyo ay pumaroon kayong payapa sa inyong ama.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sinabi ni Jose, “Hindi! Hindi ko gagawin iyon. Kung kanino nakita ang kopa, siya ang gagawin kong alipin; ang iba ay makakauwi na sa inyong ama.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Sinabi ni Jose, “Hindi! Hindi ko gagawin iyon. Kung kanino nakita ang kopa, siya ang gagawin kong alipin; ang iba ay makakauwi na sa inyong ama.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Sinabi ni Jose, “Hindi! Hindi ko gagawin iyon. Kung kanino nakita ang kopa, siya ang gagawin kong alipin; ang iba ay makakauwi na sa inyong ama.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At kaniyang sinabi, Huwag nawang itulot ng Dios na ako'y gumawa ng ganiyan; ang taong kinasumpungan ng saro, ay siyang magiging aking alipin; datapuwa't tungkol sa inyo ay pumaroon kayong payapa sa inyong ama.