Genesis 45:5 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ngayon huwag kayong magdalamhati o magalit sa inyong mga sarili sapagkat ako'y ipinagbili ninyo rito; sapagkat sinugo ako ng Diyos na una sa inyo upang magligtas ng buhay.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Ngayon, huwag kayong mag-alala at huwag ninyong sisihin ang sarili nʼyo dahil ipinagbili nʼyo ako rito, dahil ang Dios ang siyang nagsugo sa akin dito para iligtas ang buhay ninyo.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At ngayoy huwag kayong magdalamhati, o magalit man sa inyong sarili na inyo akong ipinagbili rito: sapagkat sinugo ako ng Dios sa unahan ninyo upang magadya ng buhay.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ngunit huwag na ninyong ikalungkot ang nangyari. Huwag ninyong sisihin ang inyong sarili sa ginawa ninyo sa akin. Ang Diyos ang nagpadala sa akin dito upang iligtas ang maraming buhay.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ngunit huwag na ninyong ikalungkot ang nangyari. Huwag ninyong sisihin ang inyong sarili sa ginawa ninyo sa akin. Ang Diyos ang nagpadala sa akin dito upang iligtas ang maraming buhay.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ngunit huwag na ninyong ikalungkot ang nangyari. Huwag ninyong sisihin ang inyong sarili sa ginawa ninyo sa akin. Ang Diyos ang nagpadala sa akin dito upang iligtas ang maraming buhay.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At ngayo'y huwag kayong magdalamhati, o magalit man sa inyong sarili na inyo akong ipinagbili rito: sapagka't sinugo ako ng Dios sa unahan ninyo upang magadya ng buhay.