Genesis 9:5 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
At tiyak na aking hihingan ng sulit ang umutang sa inyong dugo. Aking hihingin ito sa bawat hayop at sa mga tao, bawat isa para sa dugo ng iba. Hihingan ko ng sulit ang umutang sa buhay ng tao.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sisingilin ko ang sinumang papatay sa inyo, kahit ang mga hayop. Sisingilin ko ang sinumang papatay sa kanyang kapwa.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At tunay na hihingan ko ng sulit ang inyong dugo, ang dugo ng inyong mga buhay: sa kamay ng bawat ganid ay hihingan ko ng sulit; at sa kamay ng tao, sa kamay ng bawat kapatid ng tao ay hihingan ko ng sulit ang buhay ng tao.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Mananagot ang sinumang papatay sa inyo, maging ito'y isang hayop. Pagbabayarin ko ang sinumang taong papatay ng kanyang kapwa.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Mananagot ang sinumang papatay sa inyo, maging ito'y isang hayop. Pagbabayarin ko ang sinumang taong papatay ng kanyang kapwa.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Mananagot ang sinumang papatay sa inyo, maging ito'y isang hayop. Pagbabayarin ko ang sinumang taong papatay ng kanyang kapwa.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At tunay na hihingan ko ng sulit ang inyong dugo, ang dugo ng inyong mga buhay: sa kamay ng bawa't ganid ay hihingan ko ng sulit; at sa kamay ng tao, sa kamay ng bawa't kapatid ng tao ay hihingan ko ng sulit ang buhay ng tao.