Hebrews 1:12 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
gaya ng isang balabal sila'y iyong ilululon, at gaya ng damit, sila ay mapapalitan. Ngunit ikaw ay ikaw pa rin, at ang iyong mga taon ay hindi magwawakas."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Titiklupin mo ang mga ito tulad ng isang balabal, at papalitan tulad ng damit. Ngunit hindi ka magbabago, at mananatili kang buhay magpakailanman.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At gaya ng isang balabal silay iyong bibilutin, At silay mapapalitang gaya ng kasuutan: Ngunit ikaw ay ikaw rin, At ang iyong mga taon ay di matatapos.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
at ililigpit mong gaya ng isang balabal, at tulad ng damit, sila'y papalitan. Ngunit mananatili ka't hindi magbabago, walang katapusan ang mga taon mo.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
at ililigpit mong gaya ng isang balabal, at tulad ng damit, sila'y papalitan. Ngunit mananatili ka't hindi magbabago, walang katapusan ang mga taon mo.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
at ililigpit mong gaya ng isang balabal, at tulad ng damit, sila'y papalitan. Ngunit mananatili ka at hindi magbabago, walang katapusan ang mga taon mo.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At gaya ng isang balabal sila'y iyong bibilutin, At sila'y mapapalitang gaya ng kasuutan: Nguni't ikaw ay ikaw rin, At ang iyong mga taon ay di matatapos.