Hebrews 10:11 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
At bawat pari ay tumatayo araw-araw na naglilingkod at paulit-ulit na nag-aalay ng gayunding mga handog na kailanman ay hindi nakapag-aalis ng mga kasalanan.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Naglilingkod ang mga pari araw-araw, at paulit-ulit na nag-aalay ng ganoon ding mga handog, na hindi naman nakapag-aalis ng kasalanan.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At katotohanang ang bawat saserdote na araw-araw ay nangangasiwa ng patayo at naghahandog na madalas ng gayon ding mga hain, na hindi makaalis kailan pa man ng mga kasalanan:
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Bawat pari ay naglilingkod araw-araw at naghahandog ng ganoon ding mga handog, subalit ang mga iyon ay hindi naman nakakapawi ng kasalanan.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Bawat pari ay naglilingkod araw-araw at naghahandog ng ganoon ding mga handog, subalit ang mga iyon ay hindi naman nakakapawi ng kasalanan.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Bawat pari ay naglilingkod araw-araw at paulit-ulit na naghahandog ng pare-pareho ding mga handog, subalit ang mga iyon ay hindi naman nakakapawi ng kasalanan.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At katotohanang ang bawa't saserdote na araw-araw ay nangangasiwa ng patayo at naghahandog na madalas ng gayon ding mga hain, na hindi makaalis kailan pa man ng mga kasalanan: